Public at private employee , obligado ng magpabakuna kontra COVID-19 para makapasok sa trabaho – Malakanyang

Kailangan ng obligahin ng mga public at private employers ang kanilang mga empleyado na magpabakuna kontra COVID-19.

Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque matapos pagtibayin ng Inter Agency Task Force o IATF.

Ayon kay Roque magiging requirement ang anti COVID-19 vaccine para makapasok sa on site work place ang mga manggagawa sa pribado at pampublikong tanggapan.

Inihayag ni Roque,naglatag naman ng kondisyon ang IATF para sa mga empleyado ng pamahalaan at pribadong tanggapan na hindi pa rin nakapagpapabakuna.

Niliwanag ni Roque na hindi sila ite- terminate sa kanilang trabaho kapalit ng kondisyong kailangan nilang sumailalim sa regular RT-PCR testing.

Vic Somintac

Please follow and like us: