Publiko, pinakakalma ng PHIVOLCS matapos ang 5.5 na lindol

Muling pinakalma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS  ang publiko kasunod ng magnitude 5.5 na lindol na tumama sa  Tingloy Batangas.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, walang dapat ikatakot ang publiko sa nangyaring pagyanig at itinanggi ring konektado ito sa pinangangambahang ‘The Big One’.

Kaugnay nito, tatlong barangay sa bayan ng San Pascual sa Batangas ang nagdilim makaraang maputulan ng suplay ng kuryente dahil sa pagyanig.

Agad namang nagsagawa ng paglilikas sa mga pasyente ng Batangas Regional Hospital sa Batangas City dahil sa sunud-sunod na aftershocks na kanilang naramdaman.

Please follow and like us: