Pulse Asia Survey, pagbabasehan ng Senado para aprubahan ang P150 dagdag sahod

Gagamitin ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pinakahuling survey ng Pulse Asia para kumbinsihin ang mga kapwa senador na suportahan ang dagdag na P150 na sahod sa mga manggagawa sa buong bansa.

Sa huling Pulse Asia survey mula Hunyo 19-23, tinanong ang publiko sa pinaka-urgent na dapat tugunan ng gobyerno, lumitaw na pumapangalawa  ang pagtataas sa sweldo ng mga manggagawa.

Sa mga kinunan ng survey, 44% ang nagsabing dapat nang magpatupad ng makatarungang umento sa suweldo.

Lumabas din sa survey na 97% ng mga Pilipino ang nagsabing pabor sila sa dagdag na P150 sa daily minimum wage sa lahat ng mga manggagawa sa pribadong sektor na siyang isinusulong sa Senado.

Ayon kay Zubiri, nangangahulugan ito na kailangang-kailangan na ang umento sa sahod.

Pero dahil may nauna nang P40 wage increse sa Metro Manila, balak niyang gawin itong graduated kung saan P110 sa Metro Manila habang P150 naman sa mga lalawigan sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Nakausap raw niya ang mga negosyante at marami naman ang pabor sa pagbibigay ng dagdag na suweldo.

Sa pagbabalik ng sesyon sa susunod na linggo, sinabi ni Zubiri na isasama na nila ito sa tatalakayin kahit pa hindi ito kasama sa Agenda ng isinagawang Legislative Executive Development Advisory Council  (LEDAC) Meeting.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *