QC, patuloy ang pagbaba ng mga bagong kaso ng Covid-19

Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng Covid-19 sa Quezon City.

Batay sa July 12 datos ng Department of Health (DOH) at City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) , naitala sa 0.86 ang Reproduction Number o R0 ng lungsod.

Ang R0 na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan na ang bawat kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay may maliit na tsansang makapanghawa, o magdulot ng bagong infection.

Bumaba naman sa 5% ang positivity rate ng lungsod na pasado sa pamantayan ng World Health Organization na 5%.

Ibig sabihin bumaba ang dami ng mga nagpopositibo mula sa mga isinasagawang testing.

Please follow and like us: