QC may paalala para sa mga babakunahan ng 2nd dose mula July 15-18

Muling nagpaalala ang Pamahalaang Panglungsod ng Quezon sa mga nakatakdang bakunahan ng second dose mula July 15 hanggang 18.

Ayon sa city government, dapat sundin ang nakasulat sa likod ng vaccination card.

Kung ano ang venue at oras ng naging first dose ng pagbabakuna ay ganundin ang dapat na sundin na oras at lugar.

Dapat din na 15 minuto bago ang oras ng nakatakdang pagbabakuna ay naroroon na sa site.

Nilinaw din ng city government na huwag sundin ang oras na ibinigay ng eZConsult kung hindi naman ito kaparehong oras ng inyong naging first dose.

Please follow and like us: