Raffle ng mga kaso ni de Lima, posibleng di’ matuloy ngayong araw: Tatlong judge ng Muntinlupa RTC on-leave

Tatlo sa pitong hukom ng Muntinlupa Regional Trial Court ang  naka-leave  ngayong araw.

Ito ay sina Executive Judge Juanita Guerrero ng Branch 204, Judge Myra Bayot-Quiambao ng Branch 203, at Judge Antonieta Medina ng Branch 276.

Sakaling magdeklara ng kawalan ng quorum ay maaring hindi matuloy ang raffle ng mga kaso ngayong araw kabilang na ang tatlong drug cases laban kay de Lima.

Pero kung present naman lahat ang apat na iba pang Muntinlupa RTC Judge ay posibleng ituloy ang raffle —- ala una ng hapon

Batay naman sa isinasaad ng rules of court, sa oras na mairaffle na ang kaso, mayroong dalawamput apat na oras ang hukom na naatasang humawak ng kaso para aksyunan ito.

Ulat ni : Moira Encina

 

Please follow and like us: