Red October plot , lusaw na ayon sa AFP at PNP

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na tuluyan nang nalusaw ang Red October ouster plot ng rebeldeng grupong New Peoples Army.

Ayon kay AFP Chief of Staff, Gen. Carlito Galvez, wala nang kakayanan ang rebeldeng grupo na maglunsad ng malawakang pag atake dahil sa maramihang pagsuko ng mga myembro nito.

Naaresto rin ng AFP sa operasyon ang limang matataas na lider ng npa sa pangunguna ni Edilberto Silva na syang head ng national organization department ng NPA.

Nakatulong din dito ang inilunsad na awareness campaign ng AFP kaya napigilan ang isinasagawang recruitment sa mga paaralan at unibersidad.

Gayuman patuloy ang isinasagawang monitoring ng AFP at PNP para mapigilan ang anumang posibleng panibagong plano ng mga rebelde.

Si PNP Chief Oscar Albayalde, inatasan na ang kanyang mga regional at provincial director na palakasin ang seguridad sa mga kampo at istasyon ng pulis sa kanilang nasasakupan mula sa posibleng pag atake ng mga rebelde.

Ulat ni Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *