Refund sa singil sa kuryente ng Meralco

Magpapatupad ng refund ang Manila Electric Company o Meralco simula sa Marso.

Ito’y kasunod ng utos ng Energy Regulatory Commission o ERC na ibalik ng Meralco ang bahagi ng sobrang rate adjustment nila ngayong Pebrero.

Ang rate hike ngayong buwan ay nasa 57 sentimo kada kilowatt hour, malaking bahagi nito ay bunsod ng pagtaas sa presyo ng petrolyo, lalo na ng natural gas.

Bagama’t sinang-ayunan ng Meralco ang refund, pinag-aaralan pa umano nito kung magkano sa 57 sentimo per kilowatt hour ang isasauli sa Meralco costumer.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *