Registration para sa Philsys ID pwede na rin sa Manila Zoo

Para mahikayat ang mas maraming Pilipino na magparehistro para sa National ID, ang mga mamamasyal sa Manila Zoo puwede na ring isabay ang pagkuha ng Philsys ID.

Sa abiso ng lokal na pamahalaan ng Maynila, bukas ito tuwing Lunes, 1:00 pm hanggang 6:00 ng gabi, at Martes hanggang Linggo, mula 9A:00 am hanggang 6:00 pm.

Tatagal ito hanggang sa Pebrero 28, 2023.

Para sa mga batang nasa edad 5-14 taong gulang kailangan magdala ng original copy ng School ID at PSA-issued Certificate of Live Birth

Para naman sa mga nasa edad 15 taon pataas, pwede na ang PSA-issued Certificate of Live Birth o kahit anong government issued ID.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *