Rehabilitasyon sa Pasig River, kailangan ng Political will- PRRC

Political will ang kailangan para sa tuluyang pag-rehabilitate o pagbabalik muli sa dating magandang anyo ng makasaysayang Pasig River.

Sa panayam ng programang Usapang Pagbabago, sinabi ni George dela Rama, Spokesperson at Head ng Public Information, Advocacy and Tourism division ng Pasig River Rehabilitation Commission o PRRC,  tama ang ipinahayag ni Pangulong Duterte na posibleng abutin pa ng isang dekada bago maibalik sa dating ganda ang Pasig River kung walang kooperasyon ng mga kinauukulan.

Gaya ng rehabilitasyon na ginawa sa isla ng Boracay, hinahangaan ng PRRC si Pangulong Duterte ngunit kailangan aniya ang pagtutulungan at kooperasyon ng lahat upang maging matagumpay ang nasabing rehabilitasyon.

Maraming dapat tingnan at baguhin kaakibat ng puspusang rehabilitasyon, ilan sa mga ito ay ang pagbibigay ng relocation para sa mga informal settlers na nanirahan na ng matagal sa nasabing ilog at nagiging dahilan ng pagdumi nito at patigilin ang operasyon ng mga pabrika sa nasabing lugar.

“Hindi lang kasi isang tao ang nagpapatupad ng Political Will, dapat lahat ng tao, even yung mga officials at mga local government natin hanggang sa mga lowest officials ng barangay. Pati mga komunidad dapat may political will na linisin ang Pasig River o hangarin na malinis ito kasi kung walang drive para sa ganuong campaign eh wala rin”.

 

 

 

ANG PRRC ay nabuo noong 1999 sa pamamagitan ng nilagdaang Executive Order no. 54 sa ilalim ng panunungkulan ni dating Pangulong Joseph Estrada na ang layunin ay buhayin at pagandahing muli ang isa sa mahahalagang daluyan ng tubig sa bansa, ang Pasig River.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *