Remulla di pinatulan ang patutsada ni Cong. Teves sa kaso ng anak na nadawit sa droga

“No comment.”

Ito ang tugon ni Justice Secretary Crispin Remulla sa pag-ungkat ni Congressman Arnolfo Teves Jr. sa kaso ng kaniyang anak na nadawit sa iligal na droga.

Sa halip, bumuwelta si Remulla na ang mga taong guilty ay sadya aniyang umiiwas o nagtatago.

Muli namang hinamon ng kalihim si Teves na humarap at magpakita kung talagang wala itong kasalanan.

Kalokohan lang din aniya ang alegasyon ni Teves na may dalawang opisyal ng pamahalaan na gusto siyang ipapatay.

Pursigido rin si Remulla na ipadeklarang terorista si Teves.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *