Renovation ng Philippine General Hospital, sisimulan na sa June 1

RENOVATION NG PGH, MAGSISIMULA SA JUNE 1

Sisimulan ng Philippine General Hospital o PGH ang renovation ng emergency room at obstetrician facilities sa june 1 upang lalong mapa-unlad ang kanilang kapasidad.

Ayon sa PGH,  posibleng abutin ng 10 buwan ang gagawing renovation.

Prayoridad ng PGH ang “trauma cases”,  gaya ng stroke, atake sa puso, aksidente, appendicitis at manganganak.

Dahil dito … maaaring magtungo ang publiko sa ibang kalapit-ospital upang ma-iwasan ang pag-sikip ng mga pasyente.

Tiniyak naman ng PGH na hindi nila tatanggihan ang mga lumalapit na pasyente at aasikasuhin din bago papuntahin sa ibang ospital.

 

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *