Rep. Naguiat, itinanggi ang isyu ng suhulan sa NBP inmates

 

 

alonte

Mariing pinabulaanan ni Laguna Congresswoman Lenlen Alonte-Naguiat ang paratang na isa siya sa nanuhol sa NBP inmates para baligtarin ang nauna nilang pahayag laban kay Sen. Leila de Lima.

Ayon kay Naguiat, hindi niya kilala sinoman sa mga sinasabing inmate.

Nakahanda rin ang kongresista na harapin si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na siyang nagbunyag ng nasabing ₱100m bribe money para sa mga inmate.

Payag din si Naguiat na sumailalim sa lie detector test para patunayan na hindi siya nagsisinungaling.

Hindi rin personal na kakilala ni Naguiat si dating Senadora Jamby Madrigal na sinasabing kasama niyang nanuhol sa mga high profile inmate ng NBP.

Binigyang diin pa ni Naguiat na bilang kapartido ni Pangulong Duterte, kaisa rin siya sa panawagan nitong linisin ang bansa laban sa illegal na droga.

 

 

 

Please follow and like us: