Reproduction number ng Covid-19 sa NCR, patuloy sa pagbaba

Bumaba pa sa 0.45 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng Covid-19 sa Metro Manila.

Ayon sa OCTA Research Group, bumaba rin sa 996 ang 7-day average new cases sa NCR, pinakamababa mula noong July 22 – 28 na 1,762.

Sinabi pa ng independent group na bumaba rin sa 7% ang positivity rate o porsiyento ng mga positive test results na nagmula sa mga isinagawang testing.

Mula ito sa 10% noong nakalipas na linggo lamang.

Please follow and like us: