Residential area sa San Juan nasunog

Nasunog ang nasa mahigit labinlimang bahay sa  F. Manalo St. Brgy Kabayanan San Juan City.

Umabot sa 4th alarm ang sunog,  mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light  materials halos lahat ng kabahayan.

Tinatayang aabot sa higit 900 thousand pesos ang halaga ng nasunog.

Higit 30 pamilya  ang naapektuhan ng nasabing sunog.

Sa intial na imbestigasyon ng City fire marshall nagsimula ang sunog sa bahay ni Marilyn Reyes at hinihinalang napabayaang niluluto ang pinagmulan ng sunog.

Tatlo naman ang nasugatan sa nangyaring sunog kabilang na ang may ari ng bahay na si Reyes kung saan nagmula ang sunog.

Agad namang naisugod sa ospital ang mga sugatan na kinilalang sina Edmundo Macoco at Ricardo Perez.

Nahirapan ang mga bumbero dahil sa kitid at sikip ng kalsada sa lugar.

Tumulong din ang mga bumbero mula pa sa mga karatig lugar para maapula ang sunog.

Idineklarang fire out ang sunog bandang alas onze y medya ng gabi.

Kasalukuyan namang nanunuluyan ang mga apektadong pamilya sa mga itinalagang evacuation centers sa lugar.

Ulat ni : Earlo Bringas

Please follow and like us: