Resolusyon sa SAF 44 case malapit nang ilabas ng DOJ

Tiniyak ng bagong kalihim ng Department of Justice DOJ Secretray, Emmanuel Caparas na malapit ng ilabas ang resolusyon laban sa 90 miyembro ng MILF, BIFF, at private armed groups sa mga alegasyon laban sa kanila kaugnay ng pagkakamatay sa SAF 44.

Ayon kay Caparas, submitted for resolution na ang kaso laban sa mga suspek na isinasangkot sa madugong ingkwentro. Aminado si Caparas na mabagal ang pag-usad ng imbestigasyon dahil maraming testigo at respondent.

Hindi naman nagbigay ng time-frame ang kalihim kung kailan ilalabas ang resolusyon, pero minamadali na raw ito lalo na’t natapos na ang pandinig ng DOJ panel.

Please follow and like us: