Resulta ng 2022 Bar Exams, ilalabas sa April 14

Nakatakdang ilabas ng Supreme Court (SC) ang resulta ng 2022 Bar Examinations sa Abril 14, 2023.

Sa abiso ng Office of the 2022 Bar Chair, sinabi na ang resulta ng pagsusulit ay ia-upload sa opisyal na website ng Korte Suprema pagkatapos ng special en banc session sa April 14.

Kasama sa anunsiyo ang 30 bar examinees na nakakuha ng pinakamataas na total averages sa bar exams.

Ilalabas din ng SC sa nasabing araw ang listahan ng top five law schools na may pinakamataas na bar passers’ percentages.

Umabot sa mahigit 9,100 bar examinees ang nakatapos sa apat na araw na pagsusulit na idinaos noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *