Resulta ng imbestigasyon ng BFP sa Resorts World attack, posibleng ilabas na ngayon o bukas

Sisikapin ng Bureau of Fire Protection National Capitol Region na matapos ang imbestigasyon sa Resorts World Manila attack.

Ayon kay BFP-NCR Director Fire Senior Supt. Wilberto Rico Niel Kwan-Tiu ,tatapusin nila ang imbestigasyon ngayong araw o bukas para makapagbigay sila ng report sakaling may ipapatawag na inquiry.

Kung maaalala, kahapon ay inanunsyo na ang plano na magsagawa ng pagsisiyasat ang House Committees on Games and Amusement and Public Order and Security sa posibilidad ng security lapses sa nasabing casino ngayong araw.

Nagpapasalamat naman si Kwan-Tiu na nakikipagtulungan sa kanilang ginagawang imbestigasyon ang pamunuan ng Resorts World.

Napag-alamang suffocation ang naging sanhi ng pagkamatay ng mga biktima matapos sunugin ang casino ng suspek na si Jessie Carlos na kalaunan ay nagpakamatay din.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *