Retired COMELEC Commissioner Antonio Kho Jr., hinirang na bagong SC justice

Kumpleto na muli ang 15-miyembro ng Korte Suprema matapos na maitalaga bilang bagong associate justice si COMELEC Commissioner Antonio Kho Jr. na kakaretiro lang sa komisyon ngayong buwan.

Pinalitan ni Kho sa puwesto si Supreme Court Associate Justice Rosmari Carandang na nagretiro noong Enero.

Si Kho na tubong Zamboanga City ay nagtapos ng abogasya sa San Beda College of Law at pang-sampu sa 1991 Bar Examinations.

Nagsilbi siya na undersecretary ng DOJ bago mahirang na COMELEC commissioner.

Naging law professor din si Kho sa San Beda College at Arellano Law School bago na pumasok sa gobyerno.

Si Kho ay fraternity brother din ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lex Talionis.

Moira Encina

Please follow and like us: