Road closures ipatutupad sa mga lugar sa kada araw ng 2023 Bar Exams

Nag-abiso ang Korte Suprema sa mga isasarang kalsada para sa 2023 Bar Examinations.

Ang unang araw ng pagsusulit ay nakatakda sa Linggo, Setyembre 17.

Ang ikalawang araw naman ng bar exams ay sa September 20, Miyerkules at ang huling araw ay sa September 24, Linggo.

Idaraos ang eksaminasyon sa 14 na local testing centers.

Kabilang sa mga ito ay ang University of Sto. Tomas at San Beda University sa Maynila.

Ilan sa mga sarado sa trapiko sa Maynila ay ang parahong lanes ng Mendiola Street mula 2:00 am hanggang 7:00 pm.

Isasara rin ang ilang bahagi ng España Boulevard at Dapitan Street mula 3:30 am hanggang 9:00 am at 3:30 pm hanggang 7:00 pm.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *