Road reblocking at repair sa ilang kalye sa Metro Manila ngayong weekend

Muling nagsasagawa ng road reblocking at repairs ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila.

Biyernes ng alas-11:00 ng gabi, Abril 1, 2022 nagsimula ang repair at reblocking ay matatapos hanggang sa alas-5:00 ng umaga bukas, Lunes, Abril 4, 2022.

Kabilang sa apektadong kalye ay ang:

(Northbound):

  1. Edsa cor. Panay Ave. hanggang Mother Ignacia

2. Edsa malapit sa Quirino highway exit

3. Edsa – Quezon City bago at matapos ang Gate 3

4. Main avenue hanggang P. Tuazon flyover

5. Edsa main avenue makalampas ng P. Tuazon hanggang Aurora boulevard

6. Edsa Pasay city innermost lane o Bus way sa P. Santos st. papuntang Edsa – Evangelista footbridge

(Southbound):

1. Edsa Caloocan sa harap ng A. De Jesus street

2. C5, ilan pang kalsada

3. Timog ave. Boy Scout Rotunda

4. C5 road sa bahagi ng Ugong Norte

5. C5 road sa bahagi ng Bagumbayan

6. C5 road sa bahagi ng Ugong

7. C5 service road sa bahagi ng Bagong Ilog

8. C.P. Garcia ave. bago mag-Katipunan ave.

9. at Inner lane ng C5 Northbound sa Makati city

Pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Please follow and like us: