Online precinct finder para sa halalan sa Mayo, kasado na

Kasado na ang  online precinct finder para sa darating na halalan sa May 9, 2022.

Ito ay sa pangunguna ng Commission on Elections (Comelec) at ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ayon kay DICT Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic, ang precinct finder ay malaking tulong para sa mga botante para mabigyang gabay sa paghahanap ng kanilang assigned voting precinct.

Kaugnay nito, planong bumuo rin ng isang website ang Comelec at DICT kung saan dito makikita ang magiging resulta ng 2022 Elections.

Please follow and like us: