Run Way Manila, bubuksan na sa Abril – DPWH

Bubuksan na sa Abril ang itinatayong tulay na magdurugtong sa NAIA Terminal 3 at Newport City.

Sinabi ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar sa oras na matapos ang konstruksyon ng tulay na tinatawag na RunWay Manila, sa loob lamang ng tatlong minuto ay malalakad na ng mga pedestrian ang distansya sa pagitan ng airport at Newport.

Hanggang dalawang libong tao ang pwedeng dumaan sa tulay sa anumang oras at ito ay libreng magagamit ng publiko.

Ito ay airconditioned na tulay at para magamit din ng mga persons with disability at lalagyan ng mga walkway at elevator.

Ulat ni: Moira Encina
——————————————–

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *