SAF members na nagbabantay sa mga drug lord sa NBP, nais alisin ng PNP Chief

Nais nang alisin ni PNP Chief Ronald dela Rosa ang mga miyembro ng Special Action Force  na nagbabantay sa mga drug lord sa New Bilibid Prisons.

Ito ay matapos ihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na bumalik na naman ang drug trade sa bilibid at sangkot ang ilang SAF member.

Ayon kay dela Rosa, mismong ang mga SAF member na ang nagsabi na gusto nilang maalis sa bilibid dahil  sa takot na masira lamang ang kanilang pangalan dahil wala naman silang complete control sa loob ng bilangguan.

Sinabi ng pinuno ng PNP na kakausapin niya ang mga pinuno ng SAF na kung maari ay magkaroon muna ng rotation sa mga nakatalagang tauhan nila sa NBP.

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *