Sakaling palawigin, Martial Law dapat limitahan lang – Rep. Roque

Naniniwala si House Minority Leader at Kabayan Partylist Rep. Harry Roque na kung kakailanganin ng extension ng Martial Law dapat ay limitahan lamang ito.

Ayon kay Roque, kung hindi maiiwasan ang pagpapalawig sa batas militar dapat ay sa mga lugar lamang na may kaguluhan ito pairalin at hindi sa buong Mindanao.

Partikular nitong tinukoy ang Marawi City, bahagi ng Lanao del Sur at bahagi ng ARMM.

Sinabi ng mambabatas na base sa pahayag ng militar, limitado na lamang sa ilang lugar sa Marawi ang bakbakan ngayon.

Gayunman, upang magkaroon aniya sila ng factual basis kung kailangang palawigin ang Martial Law kailangan muna ng security briefing.

Nakatakdang matapos ang bisa ng 60-araw sa July 24, araw ng SONA ni Pangulong Duterte.

 

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *