San Antonio, Zambales, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang bayan ng San Antonio sa Zambales.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig 12:41 kaninang tanghali sa 92 kilometrong Timog-Kanluran ng San Antonio.

Naramdaman ang Intensity II sa San Antonio, San Narciso and San Felipe, Zambales.

Intensity I naman sa Quezon City at Instrumental Intensity I sa Marikina City at Olongapo City.

Please follow and like us: