Limitadong physical activities pinapayagan na sa UPLB Jogging Lane tuwing weekend

Bukas na muli tuwing weekend ang UPLB Jogging Lane.

Sa abiso mula sa UP Los Baños, pinapayagan na muli ang limitadong physical activities sa UPLB Jogging Lane tuwing Sabado at Linggo mula 5:00 ng umaga hanggang 8:00 ng umaga.

Tanging ang mga UPLB students, alumni, at retired at kasalukuyang kawani lamang at isang kasama nito ang otorisadong gumamit ng UPLB Jogging Lane.

Hanggang 200 katao lang din ang puwedeng makapasok.

Ang mga ehersisyo na maaring gawin ay limitado lang sa walking, running, jogging, stretching, at individual exercise routine.

Bawal ang biking at group activities gaya ng zumba at tai chi.

Hindi rin pinapayagan ang pagdadala ng mga alagang hayop at pagtambay sa lugar.

Kinakailangan pa rin na magsuot ng face mask o face shield at i-obserba ang physical distancing ng mga nageehersisyo.

Moira Encina

Please follow and like us: