Sandalyas na parang paa ng baka, ibinebenta sa Japan

                                  photo credit: odditycentral.com

Sinimulan ng Walpurgis, isang Japanese online shop na ang specialization ay mga fantastic garments at accessories na magbenta ng wooden sandals na nakakatulad sa paa ng baka.

Ito ay gawa sa hoof-shaped platform at wooden sole, pero wala itong takong.

Isinusuot ito sa pamamagitan ng nakukulay at sadyang mahabang ribbon na nakakabit sa hoove sandals na kailangang itali sa ibabang bahagi ng binti.

Bagamat ngayong taon lamang opiysla na inilunsad ng Walpurgis ang kanilang hoove sandals na may puti, itim at pulang ribbon, September 2017 pa sila nagsimulang kumuha ng mga pre-orders sa kanilang Village vanguard online shop.

Ang black at white version ng kanilang Hooves sandals ay sold-out na kahit ang isang pares ay nagkakahalaga ng 43,200 yen.

 

=============

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *