Sasakyan ni  BuCor Chief Catapang, tinambangan sa QC; 2 security escorts, nakaligtas

Basag ang bulletproof na salamin ng sasakyang pag-aari ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. matapos na tambangan ng mga hindi pa kilalang salarin kaninang umaga sa Quezon City.

Ayon sa BuCor, ipinapahiram ni Catapang sa kaniyang Deputy Director General for Administration na si Atty. Al Perreras ang Toyota Hilux na may plate no. WDQ 811.

Sa inisyal na ulat, minamaneho sa kahabaan ng Skyway papuntang QC ng security escort na si CO1 Cornelio Colalong ang sasakyan habang sakay ang isa pang pasahero at security escort na si CO1 Leonardo Cabaniero  nang barilin ang behikulo, alas 6:20 ng umaga. Ang suspek ay lulan ng gray na Toyota Vios.

Bagamat nabasag ang bullet proof glass sa likod ng sasakyan pero hindi naman tumagos ang bala.

Gayunman ang trajectory ng bala ay papunta sa  passenger side sa unahan kung saan nauupo madalas si Perreras. Hindi naman tinamaan ang escort si Cabaniero.

Agad namang umalis ang suspek lulan ng kaniyang sasakyan patungong Nagtahan exit ng Skyway.

Sinabi ng BuCor na nakatatanggap ng pagbabanta sa buhay sina Catapang at Perreras mula nang ipatupad ang ibat ibang reporma sa BuCor.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *