SC, NCR courts at mga korte sa mga lugar na pagdarausan ng Bar Exams, sarado sa Peb. 4

Sarado bukas, Pebrero 4 ang Korte Suprema, mga collegiate courts, at lahat ng first- at second-level courts sa Metro Manila.

Ipinagutos ang pagsasara ng mga hukuman dahil marami sa mga court employees at staff ay idineploy sa iba’t ibang testing sites ng Bar Exams.

Maging ang physical resources ng Supreme Court at mga collegiate courts ay gagamitin sa pagsusulit.

Sarado rin ang first-at second-level courts sa mga lugar sa ibang rehiyon kung saan mayroon local testing centers ng Bar Exams.

Nakatakda sa Biyernes, Pebrero 4 ang unang araw ng computerized Bar Exams.

Ilang beses din na ipinagpaliban at iniurong ang pagsusulit dahil sa mga kaso ng COVID-19.

Moira Encina

Please follow and like us: