Schedule ng biyahe ng LRT 1 ngayong holiday season inilabas na

Mas paiiksiin ang operasyon ng mga tren LRT line 1 ngayong holiday season. 

Sa abiso ng Light Rail Manila Corporation na namamahala sa operasyon ng LRT line 1,  sa December 24, magsisimula ang biyahe nito nang 4:30am hanggang 8pm at sa December 31 naman ay mula 4:30am hanggang 7pm. 

Sinabi ng LRMC na para sa December 25  at December 30 o Rizal day at maging sa January 1, 2021 ay may byahe parin ang kanilang mga tren. 

Samantala, mananatili parin namang pansamantalang sarado ang Roosevelt station para sa nagpapatuloy na konstruksyon ng Common Station o Unified Grand Central Station na magdudugtong sa  LRT-1, MRT-3, at MRT-7.

Ang huling istasyon para sa LRT-1 ay ang Balintawak station sa mga pa-northbound. 

Sa regular na schedule ng LRT-1, ang huling biyahe ng mga tren nito mula Baclaran ay 10pm mula Lunes-Biyernes at 9:30pm naman kapag weekends at holidays. 

Kapag weekdays naman ang huling byahe ng tren mula Balintawak ay 10:15pm at 9:45pm tuwing weekends at holidays. 

Mahigpit naman ang paalala ng LRMC sa mga pasahero na sundin ang  ipinatutupad na minimum health standards bilang pag iingat sa COVID-19. 

Madz Moratillo

Please follow and like us: