Schedule ng voter registration sa mga mall, inilabas na ng Comelec

Inilabas na ng Commission on Elections ang schedule para sa Mall voter registration booth sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, 16 na mall registration booths ang maaaring puntahan ng mga botanteng nais magparehistro.

Paalala naman ni Jimenez, limitado lamang ang bilang ng mga magpaparehistro na maaaring tanggapin kada araw sa mga nasabing mall site .

Kailangan kasi aniyang ikunsidera ang mall hours at pagsunod sa health protocol.

Matatandaang nagkaroon ng kasunduan ang Comelec at Robinson Malls para sa Mall site voter registration.

Ang voter registration ay tatagal hanggang sa Setyembre 30,2021.

Narito ang listahan ng mall sites at schedule:

Please follow and like us: