Search and rescue operation sa nawawalang ambulance helicopter sa Palawan patuloy pa rin

Tuloy parin ang paghahanap ng Philippine Coast Guard sa nawawalang ambulance helicopter na Yellow Bee.

Ayon sa PCG, kasama sa mga nalibot na ng kanilang search and rescue team ay mga katubigang sakop ng mga isla ng Candaraman, Canibungan, Matangule, Sebaring, at Bugsuk sa Palawan.

Maging mga lokal na mangingisda kinakausap na rin aniya ng SAR team kung may napansing palutang lutang na gamit o kahina-hinalang insidente na maaaring may kaugnayan sa nawawalang helicopter.

Ang Yellow Bee ay may sakay na 5 katao ng ito ay mawala, kasama roon ang 1 pasyente at ilang health worker.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *