Second batch ng Train, ayaw suportahan ng mga Senador

Hindi prayoridad at matamlay ang Senado sa panukalang magpapataw ng panibagong buwis o Train 2.

Katunayan, sinabi ni Senate majority leader Juan Miguel Zubiri na wala umanong ni isang Senador ang nais na maghain ng counterpart bill o mag sponsor ng Train 2 sa Senado.

Nangangamba kasi aniya ang mga Senador na kahit bumaba pa ang babayarang buwis ng mga negosyante, aalisin naman ang ibinibigay na mga incentives.

Pangunahin aniyang tatamaan ang mga Business Process Outsourcing o BPO at mga Export manufacturers.

Sabi ni Zubiri nangangahulugan ito ng pagkawala ng mas maraming trabaho dahil maraming negosyante ang nagdesisyon na mamuhunan na lang sa ibang bansa kapag ipinasa ang Train 2.

Hinala ng Senador maling impormasyon ang ibinibigay ng mga exonomic managers at hindi ipinapaliwanag ang tunay na epekto ng pagbubuwis lalo na sa inflation.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *