Seguridad sa ASEAN Golden Anniversary kasado na ayon sa PNP NCRPO

Plantsado na ang seguridad ng mga delegado  na dadalo sa 50th Association of South East Asian Nation o ASEAN Foreign Ministers meeting sa Manila.

Sinabi ni National Capital Regional Police Office Chief Director Oscar Albayalde sa breifing sa Malakanyang na kasado na ang security measures sa mga dadalo sa ASEAN Ministerial meeting mula August 2 hanggang August 8.

Ayon kay Albayalde mahigpit ang seguridad na ipapatupad sa mga lugar na pagdarausan ng mga pagpupulong.

Dalawamput pitong Foreign Ministers ang nagkumpirmang dadalo sa Golden celbration ng ASEAN.

Inihayag ni Albayalde na bantay sarado din ang 21 mga hotels sa Parańaque, Pasay at Makati.

Labing tatlong libong pulis naman ang itinalagang police personnel na mangangasiwa sa seguridad ng ASEAN Ministerial meeting.

 Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *