Seminar ukol sa Urban Vertical Gardening isinagawa sa Trece Martires City, Cavite

Nagsagawa ang City Govt of Trece Martires Cavite ng tatlong araw na seminar ukol sa Urban Vertical Gardening sa kanilang lugar. 
Isinagawa ito sa Sunshine Ville, Southville2 ph3 at sa Golden Horizon, sa Trece Martires City Cavite.


Isinagawa ng mga opisyal ang proyekto nilang ito para sa dagdag kaalaman ng mga residente ukol sa tamang paraan ng pagsasagawa ng  vertical gardening sa kani kanilang tahanan para maging epektibo at maalagaan ng husto ang kanilang mga pananim. 


Pagkatapos ng 3 day seminar ay nagkaloob din ang city government of trece martires ng mga seedlings at mga gamit sa pagtatanim para sa mga residente sa kanilang bayan.

Inilunsad ng Trece Martires City ang proyektong ito bilang bahagi ng PLANT PLANT PLANT PROGRAM ng City Government katuwang ang City Agriculture Office at Local Housing Office.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: