Sen. Antonio Trillanes, lumagda na sa bank waiver para mabusisi ang mga umano’y bank account nito

Pumirma na ng 12 bank waiver si Sen Antonio Trillanes pabor sa AMLC at sa Ombudsman para bigyan ang mga ito ng otorisasyon na busisiin ang umano’y  bank accounts nito.

Ayon kay Sen Trillanes, wala siyang mga offshore bank account katulad ng mga naging alegasyon nina brodkaster Erwin Tulfo, Asec Mocha Uson at isang alleged CNN correspondent.

Sina Tulfo, Uson at umanoy CNN Phils correspondent ang naglabas ng mga dokumento ng alleged bank accounts abroad ng Senador na ayon kay Trillanes ang iba ay mga non-existent na mga bangko at mga non-existent bank accounts.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *