Sen. de Lima, ipinaaaresto na ng Muntinlupa RTC

 

dl

Ipinag-utos na ng Muntinlupa City Regional Trial Court ang pag-aresto kay Senadora Leila de Lima kaugnay ng  kasong illegal drug trading.

Ang warrant of arrest ay inisyu ni Muntinlupa RTC Branch 204 Judge Juanita Guerrero.

Kasama rin sa ipinaaaresto sina dating OIC Bucor Director Rafael Ragos at dating driver lover ni de Lima na si Ronnie Dayan.

Si deLima ay kinasuhan ng DOJ ng paglabag sa Section 5 o sale at trading ng iligal na droga sa ilalim ng RA 9165.

Nahaharap si de Lima sa dalawa pang kaparehong kaso.

Kapag mapatunayang guilty ng korte ay mahaharap si de Lima sa habambuhay na pagkabilanggo.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us: