Sen. de Lima, nasa Muntinlupa RTC na

 

 

C5ZAUM5U0AAGqU5

Dumating na sa Muntinlupa Regional Trial Court  si Senadora Leila de Lima.

Una rito, sumailalim muna  sa booking process si de Lima sa Kampo Krame.

Bago isinailalim sa booking procedure pinag-almusal muna ang Senadora ng burger steak with rice.

Sinabi naman ni Senador Francis Pangilinan nalulungkot siya sa sinapit ng Senadora.

Gayunman tiniyak ni Pangilinan na dadaan sa legal na proseso ang lahat para mapawalang sala ang mambabatas.

Suportado rin ng Liberal Party  ang lahat ng mga petisyong isasampa ng kampo ni de Lima.

Posible rin aniyang umabot sa Korte Suprema ang kasong isinampa laban sa Senadora.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us: