Sen. Escudero, itinanggi ang “Bi-Chiz” tandem

Itinanggi ni Sen. Chiz Escudero ang anumang sikretong alyansa kay Vice President Jejomar Binay para sa 2016 elections.

Sa gitna ng kumakalat na stickers ukol sa di-umanong “Bi-Chiz” tandem, sinabi niya na hindi niya alam kung saan nagsimula ang stickers na kumakalat sa social media, bago pa pormal na magsimula ang campaign period.

Ayon pa kay Sen. Chiz, nananatiling matibay ang samahan nila ni Sen. Grace Poe sa kabila ng patuloy na pagsangkot sa kanya kay VP Binay.

Please follow and like us: