Sen. Gatchalian isinugod sa ospital habang naghe-hearing sa Senado

Isinugod sa Makati Medical Center si Senador Sherwin Gatchalian bago ang sesyon ng Senado kaninang alas 3 ng hapon.

Ayon sa kaniyang mga staff nakaramdam ng hilo at panghihina ang Senador matapos itong dumalo sa hearing kanina.

Sinabi ni Ana Marie Mejia, Media Relations Officer ni Gatchalian, posibleng bunga lamang ito ng matinding pagod  at puyat dahil sa sunod sunod na appointment at trabaho nito.

Sa ngayon ay nasa maayos ng kundisyon ang Senador at nagpapahinga na lamang sa ospital.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *