Sen. Honasan pabor sa desisyon ng AFP na huwag magtakda ng deadline sa pagbawi ng Marawi sa kamay ng mga terorista
Pabor si Senate Committee on National Defense and Security Chairman Senator Gringo Honasan sa desisyon ng AFP na hindi na magtakda ng deadline para sa ganap na pagbawi sa Marawi City mula sa Maute group.
Ayon kay Honasan, hindi praktikal na magtakda ng deadline ang militar sa grupong walang physical boundaries.
Aniya, ito ay dahil ang terrorism, islamic state at fundamentalism ay mga ideyolohiya na kailangan labanan ng mas mahusay na idea.
Giit ni Honasan, hindi lang military action ang kailangan para matapos ang gulo sa Marawi City, kundi dapat na sabayan din ng mahusay na pamumuno, maayos na koordinasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan at suporta mula sa publiko.
Please follow and like us: