Sen. Hontiveros, handang harapin ang ethics complaints ni Sec. Aguirre

Handa si Senadora Risa Hontiveros na harapin ang banta ni Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na sasampahan siya nito ng ethics complaints, civil at criminal complaints.

Ito’y matapos na ipakita ang palitan niya ng text message kay dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras.

Ayon kay Hontiveros  na malinaw na umiiwas ang kalihim imbes na sagutin ang tunay na isyu.

Iginiit nito na hindi niya nilabag ang right to privacy ni Aguirre ng ipakita ang larawan ng text message.

Hinamon din nito na idudulog niya sa Korte ang reklamo sakaling ituloy ni Aguirre ang nasabing banta.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *