Sen. Manny Pacquiao wala pang balak magretiro sa boxing

Wala pa ring balak magretiro sa pagboboksing si Sen. Manny Pacquiao.

Umugong ang nasabing haka-haka matapos siyang mag-post sa kanyang official Twitter account at sa kanyang official Facebook account.

Ginawa ni Pacman ang pahayag sa gitna na rin ng panawagan na panahon na para isabit niya ang kanyang boxing gloves makaraan  ang kontrobersiyal na pagkatalo sa mas batang undefeated Australian boxer na si Jeff Horn.

Ayon sa ilang analysts at mga kritiko, wala na ang dating Pacquiao sa nakita nilang laban noong July 2 nang maagaw ang kanyang WBO crown ni Horn.

Pero sa latest statement ni Pacman sinabi niya ang pagmamahal sa boksing.

Titigil lamang siya sa pagboboksing kung mawala na ang kanyang “passion.”

Magpapatuloy din aniya ang kanyang pagboboksing para sa Diyos, pamilya, fans at para sa bansa.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *