Sen. Pacquiao pinagpo-focus na lang ng mga kapwa Senador sa pagiging public servant

Umaapela na ang mga Senador kay Senador Manny Pacquiao na ikonsidera na ang pagreretiro sa boxing.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, parehong mabigat ang tungkulin na ginagampanan nito at napapanahon nang mag focus siya sa pagiging public servant.

Hindi na rin importante na bawiin pa ni Pacquiao ang korona dahil maraming beses na nitong napatunayan ang pagiging magaling na boksingero.

Para naman kay Senador Sherwin Gatchalian, dapat i-recalibrate ni Pacman ang kanyang sarili upang makapag adjust sa demands ng kanyang mga responsibilidad.

Ipinaalala ni Gatchalian na kapwa mabigat na pasanin ang pagiging Senador at World class boxer.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *