Sen. Risa Hontiveros tinawag na drama queen ni DOJ Sec. Aguirre

Binuweltahan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si Senadora Risa Hontiveros matapos siyang tawaging areglo king.

Tanong ni Aguirre kay Hontiveros kung anong kaso ang sinasabi ng Senadora na kanyang inareglo.

Giit pa ni Aguirre dapat na itigil ni Hontiveros ang pagda-drama para hindi siya tawaging drama queen.

Una nang sinabi ng Senadora na mula  sa pagiging “fake news king,” ay naging “areglo king” na rin ang Justice Secretary.

Ito ay sa harap ng pangamba na matulad ang kaso ni Kian delos Santos sa kaso ng pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. na mula sa murder ay naibaba sa homicide ang kaso laban sa mga sangkot na pulis.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *