Sen. Robin Padilla nag-resign bilang Exec VP ng PDP-LABAN

Photo: senate.gov.ph

Nag-resign na si Senador Robin Padilla bilang executive vice president ng Partido Demokratiko Lakad ng Bayan (PDP-LABAN).

Sinabi ni Padilla na inihain nya kahapon, May 29, ang kaniyang irrevocable resignation.

Sinabi ng Senador na nais niyang ibuhos ang mas marami niyang oras bilang mambabatas.

Aminado ang senador na masyadong mabigat ang kaniyang mandato sa taumbayan, at kailangan nang bitiwan ang iba pang pananagutan para mas maging epektibong mambabatas.

Nagbitiw man sa posisyon sa partido, mananatili pa rin daw siyang miyembro ng PDP-LABAN.

Umaasa si Padilla na ang kaniyang desisyon ay para sa kapakinabangan ng buong partido.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *