Sen. Trillanes ayaw ng patulan ng Malakanyang sa pagsasabing bagsak ang performance ng Duterte administration sa unang isang taon

download
courtesy of wikipedia.org

Hindi na papatulan ng Malakanyang ang banat ni Senador Antonio Trillanes IV na bagsak ang performance ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang isang taong panunungkulan.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na ang taong bayan na ang makapagsasabi ng mga pagbabago sa bansa sa loob ng isang taon ng Duterte administration.

Ayon kay Andanar maging sa mga survey nananatiling mataas ang performance at approval rating ng Pangulo.

Inihayag ni Andanar na mismong ang publiko ang makapagsasabi ng pagbabago lalo na sa kampanya sa kriminalidad na may kinalaman sa ilegal na droga at kurapsyon sa pamahalaan.

Niliwanag ni Andanar na nananatiling nakapokus ang administrasyon sa mga pagbabagong binitawan ng Pangulo noon pang panahon ng kampanya.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *