Sen.Trillanes, umalma sa paratang ng Palasyo na nasuhulan ang Media ng $1,000

 

trillanes

 

Inupakan na rin ni Senador Antonio Trillanes ang Malacanang matapos akusahan ang senate media na umanoy tumanggap ng isang libong dolyar kapalit ng coverage sa paglutang ni SPO3 Arturo Lascanas.

Itinanggi ni Trillanes na nagbigay sya o sinuman ng naturang halaga.

Hindi nya umano gawain ang manuhol para lamang magpa pogi sa media at mataas aniya ang respeto niya  sa Senate media.

Kinastigo ni Trillanes si Communications Secretary Martin Andanar dahil sa halip aniya na sumagot at magpaliwanag sa mga anomalyang kinasasangkutan ng Pangulo, idina-divert nito ang isyu.

Hindi aniya ang Media ang dapat pagdiskitahan nito na tagapaghatid lamang ng impormasyon sa halip ay maglabas ng katibayan para idepensa ang Pangulo.

 

Ulat ni : Mean Corvera

 

 

 

Please follow and like us: