Senado bubuo ng rehabilitation plan para sa Marawi

Plano ng Senado na magsagawa ng transformation at gawing model City ng pabahay ang Marawi City.

Ayon kay Senador JV Ejercito, Chairman ng Senate Committee on Urban Planning Housing and Resettlement, gagawin ito ng Senado kapag nagsimula na ang reconstruction at rehabilitation sa Marawi.

Bubuo na aniya ang kaniyang komite ng rehabilitation plan para sa mga residenteng apektado ng bakbakan.

Ang rehab plan ay ipriprisinta niya sa Pangulo oras na matapos na ang bakbakan.

Nauna nang nilagdaan ng Pangulo ang Administrative Order No. 3 o task force bangon Marawi para agad masimulan ang recovery, reconstruction,  rehabilitation ng Marawi City.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *